bata pa lamang ako naririnug ko na ang gantsilyo sa mga tiyahin ko. sa skul at sa usapang tsimisan sa tindahan. madalas ko din makita ang tita ko na ginagawa ito, humanga ako ng makita kung gano sya kabilis at kung ano ang natapos nya. lumaki ako sa aking mga lola na mananahi at ang mga tita ko naman mag gagantsilyo. ngunit di nila ako pinapapayagan makisali sa kanila. para sa kanila hindi ito basta basta. may bilang at ito at kailangan ng pasensya. isa pang dahilan ay pasma ang kamay ko. mangingitin lang angbsinulid na gagamitin ko. di naglaon ay napilit ko din sila na turuan ako. double crochet un ang unang gantsilyo salita natutunan ko. kung gusto ko gumawa ng walet mas mabilis ako matatapos kapag ito ang ginamit ko. ito ang pinaka basic. hindi ko agad nakuha kung panu iyon ginagawa kaya naman itinuro muna nila sa akin ang chain. gamit ang mga kamay lamang. natutunan ko ang chain. ng makita nila na bumubuti ako. binigyan nila ako ng hook. simula na iyon ng aking pagkatuto. hindi ko natapos angnwalet na aking ginawa. sapagkat akoy bata ba at nauso ang bisikleta. natuon duon ang aking atensyon. tuwing bakasyon lamang pati kami bumisita sa mga lola ko.lumilipas ang mga araw naging busy na rin ang tita ko at hindi na naituloy ang pagtuturo sa akin.
lumipas ang mga taon. heto ako ngayon nagsisismula na ulit matuto.
sa mga araw na akoy nagbubuntis marami ako natutunan.mahirap para sakin ang unawin ang mga bagay bagay. tanging basic lang angnkayang kong gawin. gusto ko itong ibahagi sa anyo upang sa ganun ay maitana ang mga bagay na mali ako at mapaunlad pa ang aking kaalaman.
ngayon. ang basic na alam ko. single, doubke st triple crochet. chain slip stitch at ang pag paggawa ng round.
No comments:
Post a Comment